Uncategorized

Isang pagmumuni-muni sa mga pangarap ng maralita

Kung kaya nilang pangarapin ang mga gusali na dambuhala at magara,
Kaya din ba nilang isipin na kailangan din ng tahanan ng maralita?
Kung kaya nilang angkinin ang dati’y ni hindi nila pinapansin?
Kaya din ba nilang isipin na dito ay may mga pangarap nang nakatanim?
Kaya ba nilang bilangin ang yaman na kanilang makakakamal?
Aanhin kaya nila ito kung ang kapalit ay libo-libong wala nang bahay?
Kaya ba nilang matulog sa gabi ng mahimbing?
Kung may tumatangis na mga ina na wala na ang mga anak na dati’y kapiling?

Kung ang mga sukdol ang yaman ay may mga pamilya na masaya at mapayapa
Bakit kaya nilang maging marahas sa pamilya ng mga maralita?
Kung ang kanilang maganak tuwing linggo ay nagsisimba
Paanong ang awa ay parang di nila nadarama?
Kung kaya nilang pangarapin na ang hinaharap ay sigurado at masagana
Bakit di nila maisip na may simpleng pangarap ang iba?
Pangarap na magsikap at makapamuhay na mapayapa
Pangarap na may matirhan, para sa mga anak na tanging biyaya.

Sino ba talaga ang tunay na nangangailangan ng lupa?
Ito ba ay ang mayaman o ang maralita?
kung ang lupa ay maaangkin ng isang mayaman na tigapagmana
Ito ba ang mas mainam kaysa maging biyaya sa marami na aba?
Ano ba ang halaga ng mga buhay na inagaw na?
katumbas ba nito ang halaga kahit ng isang daang hektarya?
Hindi mababayaran ang mga buhay na pinaslang.
Ang pagkamkam ng lupa ng maralita sa Diyos ay kasalanan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s