Uncategorized

Para kay Diwata

Para Kay Diwata

Nang una kang mapansin, ikaw ay katangi-tangi
Dahil sa iyong mapanghalinang anyo at mga ngiti
Buong pagkatao mo’y bukas ngunit mapanuri
At malaya kang nagbahagi ng pira-pirasong pagpuna at papuri.

Lahat ng Diwata ay maganda at kahali-halina
Pero ikaw ay kakaiba at may kislap sa iyong mata
Tuwing naghahabilin ng mga babasahin
Tuwing nagbabahagi ng tunay na damdamin.

Malalim ang iyong pag-ibig sa masa na nagdadalamhati
Nadarama ito sa iyong tula at bawat sambit
Walang humpay ka sa pagmartsa kasama nila
Walang pagdadamot sa pag-alay ng buhay at pag-asa.

Ang tawag nga sa iyo ng lahat ay Diwata
Isinasakatawan mo ang lambing at tapang ng babaeng malaya
Anak, kapatid at kaibigan na ang ngalan ay Norma Dollaga
Ikaw nga ay isang guro, makata at nakikibakang mananampalataya.

20120925-124421.jpg

Advertisements

5 thoughts on “Para kay Diwata”

  1. ( pasensya na kung ngayon lamang nakatugon…dito ako sa pang publikong internet)

    Di ko akalain na ito na ang narating
    Ng pangkaraniwang mortal sa payak na landasin
    Kamanlalakbay , at kaibigang Babaylan
    Nais kitang pasalamatan
    Sa handog mong tula, labis ang aking kasiyahan.

    Pangarap ko sana ako’y maging karapat-dapat
    Sa pakikibaka at pag-asa at pagkamit ng hinahangad
    Isang lipunang matino, at ang biyaya ay sapat para sa lahat.
    Batid kong ang sapat ay makakamit, kung patas ay laganap
    Ang kapayapaan ay makakamit, kung hustisya ang hanap.

    Babaylan sa iyong handog na tula
    Ako ay nagpapasalamat
    Nawa buhay ko ay ganap pang mapanday
    Matutunan ko pang laging makinig sa gabay
    Nang pinakamataas na antas ng paglilingkod sa bayan.

    Batid kong kapos pa ang nagagawa sa tuwina
    Kahinaan at kakulangan , napapansin ng aking diwa
    Kaya’t palagian tayong magpa-alalahanan
    Upang mglingkod ng masaya ta puspusan.

    1. Salamat sa tugon, Diwata. parang pinanganak na tayo nang panahon ni Balagtasan, no? Sana, naging tunay na makabuluhan ang iyong kaarawan at mga bagong karanasan. Hindi ko na sasabihing ‘sana,’ dahil ako ay nagtitiwala na patuloy kang makikipaglakbay at makikibaka kasama ang masa…

  2. ang galing! ๐Ÿ˜€ maligayang bati sa kaarawan tita diwata. magandang pagbati ang inyong ginawa tita Babaylan ๐Ÿ™‚ saludo!

  3. Hmm, pwede po akong kumuha ng kahit onting idea dito? Meron kasing project yung kaibigan ko, nagpapatulong lang. Salamat ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s