Uncategorized

Gusto ko sana….

Gusto kong tumutula
Gusto kong lumilikha
Sa bawat pagtipa
Sa modernong makinilya
Tila may sumisilip
Na likha na kathang-isip
O di kaya’y katotohanan
Na sumasambulat dahil di matahimik

Gusto ko sanang magising
Ang sambayanang nahihimbing
Gusto ko sanang ligaligin
Ang simbahan na puro panalangin
Gusto ka sanang manghalina
At lumikha ng mahika
Gusto ko sanang magpahayag
Ng isang hamon sa pakikibaka.

Gusto kong makarating
Sa mga tahanan sa kabundukan
Gusto kong maramdaman
Ihip ng hangin at kalayaan
Gusto kong marinig
Ang kuwento ng mga ina
Gusto kong makita
Pagsayaw at pagtawa ng mga bata

Gusto ko sana
Na mas marami pang magawa
Di lamang ang pagtipa
Sa modernong makinilya
Maglakbay, makasama
Makiiyak at makitawa
Sa mga nilikha ng Diyos
Na tanging Diyos ang pag-asa

20120930-082636.jpg

Advertisements

2 thoughts on “Gusto ko sana….”

  1. dahil ayaw mong mahirati
    sa daigdig ng pagkukunwari
    sa modernong anyo pero marai ang api

    dahil ayaw mo ng banayad na pagtitimpi
    at di na sasapat ang paimbabaw na ngiti
    pagakat ang kalayaan ang siyang minimtihi

    dahil ayaw mong masanay ng masanay
    sa tunog , amoy, larawan at ingay
    nang lipunang batbat ng sistemang inaanay

    batid mo ang gusto
    batid mo ang ayaw mo
    pagsibol at pagpanday ng kamulatan ay sumasa iyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s