Uncategorized

Asin at Ilaw

May asin sa luha ng batang umiiyak sa gutom
May asin sa dagat na pinangingisdaan ng bangus at galunggong
May asin din sa mga lamang dagat tulad ng talaba at tahong
May asin na galing sa dagat na inaani sa tamang panahon

May ilaw na tila sumisikat tuwing tayo’y gumigising sa umaga
May ilaw na pakindat-kindat sa maliit o malaking kandila
May ilaw sa ngiti ng isang binatang may pag-asa
May ilaw na sumisilip kahit sa pinakamadilim na selda

Ang asin ay hindi isang handog sa Diyos sa isang magarang altar
Hindi rin kailangan ang kandila sa templong puno na ng kumikinang na mga ilaw
Ang asin ay nilulusaw hanggang wala nang matirang butil
Ang ilaw ay nagliliwanag lamang kung ang kapaligiran ay naninimdim

Tayo nga ba ay ilaw? Tayo nga ba ay asin?
Kung sa gitna ng kapighatian, tayo ay sa iglesia nakalilim.
Ang tunay na ilaw, ang tunay na asin
Handang malusaw sa bagyo at magbigay ilaw sa panahong pinakamadilim.

Art by Shiloh Sophia McCloud

20130904-141240.jpg

Advertisements

1 thought on “Asin at Ilaw”

  1. Asin at ilaw, init at lamig, araw at gabi, tubig at apoy
    ang mga ito’y laganap sa sang-sinikob
    At bahagi ng ating buhay dito sa balat ng lupa.
    kung salat tayo sa mga ito
    Ang ligaya ay mawawalan ng awit, sayaw at halakhak
    At ang kalungkutan ay magiging laganap.

    Di man natin tanggapin ay ang mga ito’y
    Waring pagpapala ng di natin nakikitang
    Bathala, na sa kanyang mga pamamaraan
    Ay hinihikayat tayo sa isang buhay
    Nang pakikipaghamok kung saan ay dapat nating
    Iwasan ang dilim at tab-ang ng buhay,
    Timbangin at tubig at apoy, hirap at ginahawa
    Nang sa ganoon ay ating makita ang landas
    Nang katuwiran, katotohanan, kapayapaan
    Patungo sa ating tunay na ginhawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s