Uncategorized

May Batang Umiiyak

May batang umiiyak
Paggising pa lang sa umaga
Ang kanyang gutom kagabi pa
Ay kumakain na naman sa kanyang sikmura.

May batang umiiyak
Maging sa pagkakatulog niya
Hanggang sa panaginip
Pangaapi sa buong araw ay nagbigay sa kanya ng hiya

May batang umiiyak
Habang papunta pa lang sa eskwela
Wala pa siyang almusal
At wala na namang baon na dala

May batang umiiyak
Habang namumulot ng basura
Sa tagal ng ginugol niya sa pamumulot ng kalakal
Wala man lang maranasang kaunting ginhawa

May batang umiiyak
Sa pagkakakulong sa maliit na selda
Kasama ang malaking mga mama
Na puno ng galit sa bulok na sistema at hustisya

May batang umiiyak
Habang nagsusumamo sa panalangin
Nagtatanong siya sa Diyos
Kung bakit tila ang iyak niya ay di naririnig.

May batang umiiyak
Sa lahat ng ating dinadaanan
Sa mga eskinita at sa mga lansangan
At minsan pa nga’y nasa labas lamang ng ating simbahan.

Ang Tugon ni Dr. Levi Oracion…

Di lang isa, kundi laksa laksa ang mga umiiyak na bata,
Mukhang kailangan nating baguhin ang ating pagtingin
Sa Diyos ng sangsinukob na waring walang pansin
Sa mga daing ng mga batang sa gutom ay sinisiil.

Bakit kaya wala Siyang ginagawa
Upang mabigyan ng lunas
Ang mga walang-wala
Papaano kaya natitiis ng Diyos na mabuti, mapag-mahal,
at puspos ng kapamgyarihan
Ang hirap at daing ng mga batang
Walang karanasan kundi hinagpis.

Sa ating tiyologia marami tayong paliwanag
Kung bakit ang Diyos ng pag-ibig, katarungan
Ay di man mabanaagan ang anino
Kahit sa yiyan man lamang,
Sana’y makakain ang mga paliwanag na iyan,
Nguni’t sa nagugutom ang dating nito
Ay insulto lamang.

Ang sabi ng Biblya ang Diyos sa Panginoon Jesus
Ay nagkatawang tao;
Ang mga tiyologia isang himala ito
Na kanilang ipinapaliwanag ng mga imahing
Sa isip ay isa lang pang-gulo.
Puno-puno na ng mga paliwanag
Ang Diyos na ito, di ko malaman
Kung Siya ay totoo.

Baka naman ang ibig sabihin ng himalang ito,
Ay sa atin ipinasa ng katutohanan
Ng pag-ibig at katarungan at tayo ang gumalaw
Upang ang pag-ibig at katarungan
Ay magkaroon ng buhay at katunayan
At ang mga batang umiiyak sa guton at kahirapan
Ay magkaroon ng kabusugan di lang ang kanilang tiyan
Kundi patio ang kanilang buong kabuhayan.

Photo by Johannes Dayrit

20140919-214127.jpg

Advertisements

1 thought on “May Batang Umiiyak”

  1. Di lang isa, kundi laksa laksa ang mga umiiyak na bata,
    Mukhang kailangan nating baguhin ang ating pagtingin
    Sa Diyos ng sangsinukob na waring walang pansin
    Sa mga daing ng mga batang sa gutom ay sinisiil.

    Bakit kaya wala Siyang ginagawa
    Upang mabigyan ng lunas
    Ang mga walang-wala
    Papaano kaya natitiis ng Diyos na mabuti, mapag-mahal,
    at puspos ng kapamgyarihan
    Ang hirap at daing ng mga batang
    Walang karanasan kundi hinagpis.

    Sa ating tiyologia marami tayong paliwanag
    Kung bakit ang Diyos ng pag-ibig, katarungan
    Ay di man mabanaagan ang anino
    Kahit sa yiyan man lamang,
    Sana’y makakain ang mga paliwanag na iyan,
    Nguni’t sa nagugutom ang dating nito
    Ay insulto lamang.

    Ang sabi ng Biblya ang Diyos sa Panginoon Jesus
    Ay nagkatawang tao;
    Ang mga tiyologia isang himala ito
    Na kanilang ipinapaliwanag ng mga imahing
    Sa isip ay isa lang pang-gulo.
    Puno-puno na ng mga paliwanag
    Ang Diyos na ito, di ko malaman
    Kung Siya ay totoo.

    Baka naman ang ibig sabihin ng himalang ito,
    Ay sa atin ipinasa ng katutohanan
    Ng pag-ibig at katarungan at tayo ang gumalaw
    Upang ang pag-ibig at katarungan
    Ay magkaroon ng buhay at katunayan
    At ang mga batang umiiyak sa guton at kahirapan
    Ay magkaroon ng kabusugan di lang ang kanilang tiyan
    Kundi patio ang kanilang buong kabuhayan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s