Uncategorized

Tutoo pala…

Tutoo pala na ang mga teacher at nurses ay nagiging caregivers
Tutoo pala na ang mga nakatapos ng kolehiyo ay nagiging housecleaners
Napakaswerte naman ng mga banyaga sa ibang bansa
Kinakalinga at binibigyan ng ginhawa  kung nangangailangan ng tulong sa paggawa

Tutoo din pala na ang mga nangingibangbansa ay naglipana
Tutoo din pala na doon na sila nakakapanganak at bumubuo ng pamilya
May mga pangarap para sa mga anak na doon lang kayang matupad
Dahil sa sariling bayan ay walang maayos na trabaho at pasweldo na sasapat

Tutoo din na sa munting bahay ay sila ay nagsisiksikan
Maingay,  masaya at paminsan-minsan ay nagtatampuhan
Nakapila sa banyo,  sa kusina at sa hapag-kainan
Pero lubos ang ligaya nila kapag may nagbe-bertday at konting handaan

Sa maikling panahon ay naging bahagi ako ng kanilang sambahayan
Nakikain, nakitulog, nakisaya at nakipagkuwentuhan
Pinatuloy ako sa kanilang tahanan kahit di ako kilala
Ipinasyal, ipinamili ng pasalubong at pinagkatiwalaan ng kuwento nila

Hindi madali ang mga trabaho at buhay na pinili nila
Matinding sakripisyo para sa mga anak,  magulang at asawa
Kaya dalangin ko ay kalusugan at kaligayahan nila
Dahil tunay na karapat-dapat sila sa biyaya at pagpapala ng Diyos na Manlilikha

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s