Uncategorized

Ang Punong Narra

Nagising na ang Punong Narra at nagpaulan ng dilaw na bulaklak sa lupa
Maamoy mo sa hangin ang matamis na halimuyak niya
Tila alam at nadarama ng Punong  Narra na may dapat ipagdiwang
Pagpapagal at pag-ibig, pag aani at mga muling pagsilang

Isang taon na naman ang lumipas sa seminaryo nating mahal
Ngayon ay aanihin ng bawat magaaral ang bunga ng pagpapagal
Tatlong taon  at mahigit silang masasabing nagsunog ng kilay
Nang maging karapatdapat sa diploma at sablay

Alam kong di naging madali ang pagpapanday sa sarili
Malaking hamon ang pakikipag-kapwa sa masa at pagbubukas ng puso at isip
Sabayan pa ito ng kakulangan sa pinansya
Talaga naman ang mga ito ay pagsubok sa ating pananampalataya at pasensya

May BCE,  Compre,  mga group reports, papel at thesis
May kaalaman na dadalhin sa hukay at may mga konseptong lilimutin at hindi mami-miss
May nadiskubreng mga bagong talento na binigyang laya sa seminaryo
Pwede pa kayang maging bahagi ang mga ito sa kanilang mas malawak na ministeryo?

Sana nga ay di makuntento sa pa-kahigkahig na tulad ng manok
Sana nga’y magpaimbulog na parang agila mula patag hanggang sa mga bundok
Dahil ang panalangin namin para sa mahal naming estudyante na magtatapos
Maging mga tunay na propeta na maglilingkod sa pinaka-aba at sa Diyos

image

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s