Uncategorized

DIVISORIA

Kailan lamang ay galing kami sa Divisoria
Kinuha namin ang bagung-bagong barong tagalog ni Noah
Muli kong nadama ang mabilis at masalimuot na buhay ng masa
Sa Divisoria na mainit, maamoy, siksikan at maraming kawawa

Napakaraming mga bata na gusgusin sa kalsada
Namamalimos, naghahabulan, nangagalakal pero samasama
Naglalaro na tila walang problema sa mundo
Tila di nadarama ang gutom na karanasan nila mula umpisa ng araw hanggang dulo

May mga tindera din na tumatawag ng mga mamimili
Nakikipagtawaran at matiyagang nagbebenta ng samut-saring bagay sa mga suki
Magkano kaya ang kinikita nila sa araw-araw
Bakit nagkakasya na sila sa noodles at malamig na bahaw.

Sa gitna ng masikip na kalye ay may delivery boy na maskulado at maitim
Tulak ang mabigat na dolly at pasingit-singit  sa gitna ng mamimili
Bakas sa kanyang katawan ang mahirap na buhay
Aasenso kaya siya o ganoon na lamang hanggang mamatay

Padilim na nang lisanin  namin ang Divisoria
Sumakay sa kotse at sandali pa’y nakaramdam na ng ginhawa
Samantala alam kong palaging ganoon ang buhay ng maraming mamamayan
Parang nakatali na sa mahirap na buhay sa sariling bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s