Uncategorized

Ano ang halaga ng awit kung ang layon ay mapatingin ka lang sa alapaap?

Ano ang saysay ng tula kung tahimik ito sa kapayapaan at katarungan ang hanap?

Ano ang kahalagahan ng pagtatanghal kung binubura nito ang kasaysayan at panaghoy ng bayan?

Ano ang pakinabang sa pagsamba kung sa Diyos lang nagpupuri at hiwalay sa nagdurusang mamamayan?

Umiikot ang mundo, parang ang daming nangyayari

Pero bakit hindi ko madama na ang sangkatauhan ay napapabuti

Nagsisimba, nagtatanghal at nagtuturo tayo tungkol sa pag-asa

Pero ang masang Pilipino ay patuloy sa kanyang pagdurusa

Awitin kasi natin ang pagmamahal sa bayan at kapwa

Itula natin ating mga tunay na bayani na nag-alay ng buhay para tayo ay lumaya

Itanghal natin sa entablado ang sakit at paghihirap ng magsasaka at manggagawa

Gisingin natin ang mamamayan upang makipaglakbay tungo sa tunay na kapayapaan at hustisya 


Art by Tamara Adams

Advertisements

1 thought on “”

  1. Marahil ang dahilan ay ang karumaldumal ng ugali
    Na kahit na krus ng Panginoon ay di mabali
    Ang pag-yakap sa mga ulirang gawi
    Upang sa tingin ng iba ay maging kaayaya.
    Maganda ang ating mga dalangin
    Mga simbulo ng pag-ibig at hustiya
    Na bumabalot sa ating mga maling gawain
    At sa mata ng mundo’y maganda
    Nguni’t huwad sa tingin ng Ama.
    Ang kailangan ay ang krus ibalikat
    Ibandila sa puso’t isip sa baya’y iharap
    Ng ang dugo ni Jesus na ang dala
    Ay tuwirang hatol at pag-ibig
    Ay dumaloy sa ating, puso at bibig
    At ang kapangyarihan nang ating pagkatao
    Ay siyang mag-hari sa ating daigdig.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s