Uncategorized

Ang Kapayapaan ni Kristo 

Lumipas na ang Pasko ngunit di pa rin payapa ang mundo         Ang dalang pag-asa sa kapanganakan ni Kristo ay di pa rin tutoo sa napakaraming tao

May digmaan pa rin sa Syria. Inaagaw pa rin lupa sa Palestina.
Dinadahas pa rin ang magsasaka at pinagdadamutan ng mga panginoong may lupa
Tinatamaan pa din ng ligaw na bala ang mga inosenteng walang kinalaman sa droga 

Pinapalayas pa rin sa lupang sinilangan ang mga komunidad sa Mindanao at Patungan

Lumipas na naman ang Pasko at marami tayong inihanda at tinanggap na regalo.                                                                                 Pero ang tunay na kailangan ng sangkatauhan ay hustisya at kabuuan na bunga ng tunay na kapayapaan

Kapayapaan na hindi lamang katahimikan.                                  Kundi kapanatagan ng loob dahil wala nang kinatatakutan

Kapayapaan hindi dahil maawain ang mayayaman.                         Kundi dahil wala nang mahirap at wala nang nilalamangan

Kapayapaan hindi dahil may tigil putukan at wala nang digmaan.      Kungdi dahil ang pagbabago ay ganap at magpapaunlad sa bawat mamamayan

Ang kahulugan ng pagkakatawang tao ng Diyos sa katauhan ni Kristo ay isang pakikibahagi ng walang pagdadamot at pagkiling sa dumaranas ng paghihirap sa mundo

Hindi ito pansariling katahimikan at hindi ito personal na kabanalan. Ang kapayapaan ni Kristo ay kapayapaan sa buong mundo at lahat ng mga bayan.

Artwork by Joey Velasco

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s