Uncategorized

Kapayaan

Ang kapayapaan ay di lamang tigil putukan at kawalan ng engkwentro ng NPA at militarAng kapayapaan ay di lamang pagpapalaya ng mga bilangong pulitikal

Ang kapayapaan ay di lamang usapin ng mga NDF at mga kintawan ng gobyerno

Ang kapayapaan ay para sa akin, sa iyo, at para sa ikabubuti ng bawat Pilipino 
Walang kapayapaan kung ang komunidad ng Lumad ay pinamumugaran ng militar

Walang kapayapaan kung ang manggagawa ay walang asenso sa gitna ng pagtatrabaho araw araw

Walang kapayapaan kung ang mga kabataan ay hindi makapasok o makatapos man lang ng elementarya

Walang kapayapaan kung iniiwan ng mga magulang ang mga anak upang magtrabaho sa malalayong bansa
Walang kapayapaan kung ang lupa 

ng mga magsasaka ay inaagaw ng walang pakundangan

Walang kapayapaan kung walang matirhan ang mga pamilya at natutulog sa lansangan

Walang kapayapaan kung ang may parusa lang ay ang mahihirap sa kanilang kasalanan

Habang ang mga buwayang nagnanakaw sa kaban ng bayan ay tinatawag pa ring ‘congressman.’
Ang kapayapaan ay masusukat sa kalayaan at kakanyahan lalo na ng mga katutubo sa kabundukan

Ang kapayapaan ay nararanasan kung may trabaho na angkop sa kakayanan ang bawat mamamayan.

Ang kapayapaan ay tutoo sa mga anak ng bayan kung ang kanilang edukasyon ay pinapahalagahan

Ang kapayapaan ay ganap kung ang mga pamilya ay samasama at ang natutugunan ang kanilang pangangailangan
Ang kapayapaan ay posible lamang kung ang mga magsasaka ay may lupa at may ani na masagana

Ang kapayapaan ay mararanasan lamang kung may malinis na tubig, pagkain, at bahay ang bawat pamilya

Ang kapayapaan ay posible lamang kung may pagkakapantay-pantay sa pagpapatupad ng batas

Ang kapayapaan ay ipinaglalaban dahil 

hindi ito matutupad habang ang mayaman ay hinahayaang gumamit ng dahas
Ang kapayapaan ay handog natin sa ating mga anak at ating kapwa

Ang kapayapaan ay biyaya para sa gobyerno at sa mamamayang pinagsisilbihan niya
#PeaceTalksItuloy

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s